Pagbabahagi ng musika
Upang magpadala ng kanta
1
Buksan ang home screen ng WALKMAN.
2
Mag-browse sa kanta o album na gusto mong i-send, pagkatapos ay i-touch at
tagalan ang pamagat ng kanta.
3
Tapikin ang Ibahagi.
4
Pumili ng application mula sa listahan, pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin sa
screen.
Makakapagpadala ka rin ng mga album at playlist sa parehong paraan.
Pagbabahagi ng musika sa Facebook™
Kinokolekta ng paggana ng Musika ng mga kaibigan ang mga link patungo sa musika at
nilalamang kaugnay sa musika na ibinahagi mo at ng iyong mga kaibigan gamit ang
Facebook™.
62
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Para "Gustuhin" ang isang kanta sa Facebook™
1
Habang nagpe-play ang kanta sa application na "WALKMAN," tapikin ang album
art.
2
Tapikin ang para ipakita na "Gusto" mo ang kanta sa Facebook™. Kung gusto
mo, magdagdag ng komento sa field ng mga komento.
3
Tapikin ang Ibahagi para i-send ang kanta sa Facebook™. Kung tagumpay na
natanggap ang kanta, makakatanggap ka ng mensahe ng pagkumpirma mula sa
Facebook™.
Upang pamahalaan ang musika mula sa iyong mga kaibigan
1
Buksan ang home screen ng WALKMAN, pagkatapos ay tapikin ang Musika
kaibigan > Kamakailan.
2
Tapikin ang isang item upang buksan ito, pagkatapos ay gawin ang gusto rito.
3
Tapikin ang upang ipakitang "Gusto" mo ang kanta sa Facebook™. Kung
gusto, magdagdag ng komento sa field ng mga komento.
Upang tingnan ang iyong nakabahaging musika
1
Buksan ang home screen ng WALKMAN, pagkatapos ay tapikin ang Musika
kaibigan > Ibinahagi ko.
2
Mag-scroll sa isang item na gusto mong buksan, pagkatapos ay tapikin ito.
Ipapakita ang lahat ng komento tungkol sa item, kung mayroon.