Sony Xperia L - Mga Playlist

background image

Mga Playlist

Sa home screen ng WALKMAN, maaari kang gumawa ng iyong sariling mga playlist

mula sa musikang naka-save sa iyong device.

Upang gumawa ng iyong mga sariling playlist

1

Buksan ang home screen ng WALKMAN.

2

Upang magdagdag ng artist, album o kanta sa isang playlist, i-touch nang

matagal ang pangalan ng artist o ang pamagat ng album o kanta.

3

Sa menu na bubukas, tapikin ang Idagdag sa > Gumawa bagong playlist.

4

Magpasok ng pangalan para sa playlist at tapikin ang OK.

Maaari mo ring tapikin ang album art at pagkatapos ay tapikin ang upang gumawa ng

bagong playlist.

Upang magdagdag ng mga kanta sa isang playlist

1

Buksan ang home screen ng WALKMAN.

2

Mag-browse sa kanta o album na gusto mong idagdag sa isang playlist,

pagkatapos ay i-touch at tagalan ang kanta o pamagat ng album.

3

Tapikin ang Idagdag sa.

4

Tapikin ang pangalan ng playlist kung saan mo gustong idagdag ang album o

kanta. Idaragdag ang album o kanta sa playlist.

Upang i-play ang iyong sariling mga playlist

1

Buksan ang home screen ng WALKMAN, pagkatapos ay tapikin ang Mga

Playlist.

2

Sa ilalim ng Mga Playlist, tapikin ang isang playlist.

3

Tapikin ang isang kanta upang i-play ito.

Upang alisin ang isang kanta mula sa isang playlist

1

Sa isang playlist, i-touch at tagalan ang pamagat ng kantang gusto mong

tanggalin.

2

Tapikin ang Tanggalin mula sa playlist mula sa listahang lumilitaw.

Upang magtanggal ng playlist

1

Buksan ang home screen ng WALKMAN, pagkatapos ay tapikin ang Mga

Playlist.

2

I-touch nang matagal ang playlist na gusto mong tanggalin.

3

Tapikin ang Alisin.

4

Tapiking muli ang Alisin upang kumpirmahin.

Hindi mo matatangaal ang mga default na playlist.