Paghahanap sa iyong device
May ilang paraan upang makita at maprotektahan ang iyong device kung mawala mo
man ito. Gamit ang serbisyo ng “my Xperia”, magagawa mong:
•
Hanapin ang iyong device sa isang mapa.
•
Magpatunog ng alerto na gumagana kahit nasa silent mode ang device.
•
Malayuang i-lock ang device at ipakita doon ang iyong impormasyon sa pakikipag-
ugnay.
•
Malayuang i-wipe ang panloob na memory at panlabas na memory sa device kung wala
nang ibang opsyon.
Bago gamitin ang serbisyong “my Xperia”, dapat mo itong i-aktibo sa iyong device. Sa
sandaling naka-aktibo na ang serbisyo, kailangan mo lang pumunta sa
myxperia.sonymobile.com at mag-sign in gamit ang parehong Google™ account na na-
set up mo sa iyong device.
Maaaring hindi available ang serbisyong “my Xperia” sa lahat ng bansa/rehiyon.
Upang ma-activate ang serbisyong “my Xperia”
1
I-drag pababa ang status bar, pagkatapos ay tapikin ang .
2
Tapikin ang Xperia™ > MyXperia™ > I-activate.
3
Markahan ang checkbox, pagkatapos ay i-tap ang Tanggapin.