Mga account at serbisyo
Mag-sign in sa iyong mga account ng online na serbisyo mula sa iyong device upang
makakuha ng madaling access nasaan ka man. Halimbawa, maaari mong pagsamahin
ang mga contact mula sa iyong Google™ account patungo sa iyong phonebook, upang
magkaroon ka ng lahat sa isang lugar. Maaari kang mag-sign up sa mga bagong online
na serbisyo mula sa iyong device gayundin mula sa isang computer.
Google™ account
Ang pagkakaroon ng Google™ account ay napakahalaga sa paggamit ng iba't ibang
application at serbisyo sa iyong Android™ device. Halimbawa, kailangan mo ng
Google™ account upang magamit ang Gmail™ application sa iyong device, upang
makipag-chat sa mga kaibigan gamit ang Hangouts™, at upang ma-synchronize sa
iyong Google Calendar™ ang application na kalendaryo ng iyong device. Kailangan mo
rin ng Google™ account upang makapag-download ng mga application at laro, musika,
mga pelikula at aklat mula sa Google Play™.
Microsoft
®
Exchange ActiveSync
®
account
I-synchronize ang iyong deivce sa iyong pangkumpanyang Microsoft
®
Exchange
ActiveSync
®
account. Sa ganitong paraan, maitagago mo ang iyong email sa trabaho,
mga contact at event sa calendar sa iyo sa lahat ng panahon.
Facebook™ account
Ang Facebook™ ay isang serbisyo ng social networking na ikinokonekta ka sa iyong
mga kaibigan, pamilya at mga kasamahan sa buong mundo. I-set up ang Facebook
upang gumana sa iyong device upang manatili kang nakikipag-ugnay saanman.
11
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.