Paglilipat ng nilalamang video sa iyong device
Bago mo simulang gamitin ang application na Mga Pelikula, magandang ideya na
maglipat ng mga pelikula, palabas sa TV at iba pang nilalamang video papunta sa iyong
device mula sa iba pang mga device, gaya ng computer. Maraming paraan para ilipat
ang iyong nilalaman:
•
Ikonekta ang iyong device sa computer gamit ang isang USB cable at i-drag at i-drop
ang mga file ng video nang direkta gamit ang application na file manager sa computer.
Tingnan ang Pagkonekta ng iyong device sa isang computer sa pahinang 105.
•
Kung mayroon kang PC, gamitin ang applicatio na Media Go™ mula sa Sony™ para
ayusin ang nilalaman at maglipat ng gma video file papunta sa iyong device sa
pamamagitan ng PC.
•
Kung Apple® Mac® ang iyong computer, maaari mong gamitin ang Sony™ Bridge para
sa Mac para maglipat ng mga video file mula sa iTunes papunta sa iyong device.
90
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.