Sony Xperia L - TrackID technology

background image

TrackID technology

Pagtukoy sa musika gamit ang TrackID technology

Gamitin ang serbisyo ng pagkilala ng musika ng TrackID™ upang kumilala ng track ng

musikang iyong narinig na nagpe-play sa iyong kapaligiran. Magrekord lamang ng isang

maikling sample ng kanta at makakakuha ka ng impormasyon ng artist, pamagat at

album sa loob ng ilang segundo. Makakabili ka ng mga track na tinukoy ng TrackID™ at

matitingnan mo ang mga chart ng TrackID upang makita kung ano ang hinahanap ng

mga user ng TrackID sa buong mundo. Para sa mga pinakamahusay na resulta,

gumamit ng TrackID™ technology sa tahimik na lugar.

Hindi sinusuportahan sa lahat ng bansa /rehiyon ang TrackID™ application at ang serbisyo ng

TrackID™, o ng lahat ng network at/o service provider sa lahat ng lugar.

Upang buksan ang TrackID™ application

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin .

2

Hanapin at tapikin ang TrackID™.

Magagamit mo rin ang TrackID™ widget upang buksan ang TrackID™ na application.

Upang tumukoy ng musika gamit ang teknolohiyang TrackID™

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin

2

Hanapin at tapikin ang TrackID™, pagkatapos ay hawakan ang iyong device

palapit sa pinagmumulan ng musika.

3

Tapikin ang . Kung nakilala ng serbisyo ng TrackID™ ang track, lalabas sa

screen ang mga resulta.

Upang bumalik sa screen ng simula ng TrackID™, pindutin ang

.

Upang tingnan ang mga TrackID™ chart

Buksan ang application na TrackID™, pagkatapos ay tapikin ang Mga Chart.

Ipapakita ang isang chart mula sa iyong sariling rehiyon.

Paggamit ng mga resulta ng teknolohiyang TrackID™

Lumilitaw ang impormasyon ng track kapag nakilala ng application na TrackID™ ang

isang track. Maaari mong piliing bilhin ang track o ibahagi ito gamit ang email, SMS o

serbisyo ng social networking. Maaari ka ring makakuha ng higit pang impormasyon

tungkol sa artist ng track.

Upang bumili ng track na nakilala ng application na TrackID™

1

Pagkatapos makilala ng application na TrackID™ ang isang track, tapikin ang I-

download.

2

Sundin ang mga tagubilin sa iyong device upang kumpletuhin ang iyong pagbili.

Maaari ka ring pumili ng track na bibilhin sa pamamagitan ng pagbubukas sa mga tab na

Kasaysayan o Mga Chart mula sa screen ng simula ng TrackID™.

Upang magbahagi ng track

1

Pagkatapos na makilala ang isang track ng application na TrackID™, tapikin ang

Ibahagi, pagkatapos ay pumili ng paraan ng pagbabahagi.

2

Sundin ang mga tagubilin sa iyong device upang kumpletuhin ang pamamaraan.

Upang tingnan ang impormasyon ng artist para sa isang track

Pagkatapos makilala ang isang track ng application na TrackID™, tapikin ang

Info ng artist.

65

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Upang magtanggal ng track mula sa kasaysayan ng track

1

Buksan ang application na TrackID™, pagkatapos ay tapikin ang Kasaysayan.

2

Tapikin ang pamagat ng track, pagkatapos ay tapikin ang Tanggalin.

3

Tapikin ang Oo upang kumpirmahin.