Sony Xperia L - Paggamit ng GPS

background image

Paggamit ng GPS

May GPS (Global Positioning System) receiver ang iyong device na gumagamit ng mga

signal ng satellite upang kalkulahin ang iyong lokasyon. Sinusuportahan din ng iyong

device ang GLONASS (Global Navigation Satellite System). Maaaring matulungan at

mapalitan ng parehong system ang isa't isa, kung kinakailangan, upang matiyak ang

katumpakan ng pagpoposisyon at mahusay na karanasan sa navigation. Kapag

pinagana mo ang GPS, awtomatiko ring mapapagana ang GLONASS system.

Kapag gumamit ka ng mga feature na nangangailangan ng GPS at GLONASS receiver upang

makita ang iyong lokasyon, tiyaking may malinaw kang view sa langit.

Upang paganahin GPS

1

I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .

2

Tapikin ang Mga serbisyo ng Lokasyon.

3

I-drag ang slider sa tabi ng Access sa lokasyon ko patungo sa kanan.

4

Tapikin ang Sumang-ayon upang kumpirmahin.

Kapag pinagana mo ang GPS, awtomatikong mapapagana ang GLONASS system.

Pagkuha ng pinakamainam na pagganap

Sa unang pagkakataon na gamitin mo ang GPS, maaaring tumagal ito ng 5 hanggang

10 minuto bago mahanap ang iyong lokasyon. Upang matulungan ang paghahanap,

siguraduhing may malinaw na tanaw ka ng langit. Tumayong matatag at huwag takpag

113

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

ang GPS antenna (ang naka-higlight na lugar sa imahe). Maaaring tumagos ang GPS

signal sa mga ulap at plastic, ngunit hindi sa karamihan ng mga solidong bagay gaya ng

mga gusali at bundok. Kung hindi mahanap ang iyong lokasyon pagkaraan ng ilang

minuto, lumipat sa isa pang lokasyon.