Sony Xperia L - Mga serbisyo at mapagkukunan ng lokasyon

background image

Mga serbisyo at mapagkukunan ng lokasyon

Gamitin ang iyong device upang malaman kung nasaan ka. May dalawang paraan, o

mapagkukunan: Mga GPS satellite at mga wireless network. Paganahin ang opsyong

mga wireless network (mga Wi-Fi at mobile network) kung tinatayang lokasyon lang ang

kailangan mo, at gusto itong makuha nang mabilis. Kung gusto mo nang mas eksaktong

posisyon, at may malinaw na view sa langit, paganahin ang opsyong mga GPS satellite.

Sa mga sitwasyon kung saan mahina ang koneksyon sa wireless na network, dapat

mong paganahin ang parehong pagpipilian upang matiyak na matatagpuan ang iyong

lokasyon. Nakaaktibo bilang default ang parehong opsyon kapag pinagana mo ang mga

serbisyo sa lokasyon.

Hindi tinitiyak ng Sony ang katumpakan ng anumang mga serbisyo ng lokasyon kabilang ang

ngunit hindi limitado sa mga serbisyo sa pag-navigate.

Upang paganahin ang mga serbisyo sa lokasyon

1

I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .

2

Tapikin ang Mga serbisyo ng Lokasyon.

3

I-drag ang slider sa tabi ng Access sa lokasyon ko patungo sa kanan.

4

Tapikin ang Sumang-ayon nang dalawang beses upang kumpirmahin.

Kapag pinagana mo ang mga serbisyo sa lokasyon, mapapagana bilang default ang parehong

Mga GPS Satellite at Serbisyo ng lokasyon ng Google (mga Wi-Fi at mobile network). Maaari

mong manu-manong i-disable ang alinmang opsyon.

Upang payagan ang apps ng Google na i-access ang iyong lokasyon

1

I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .

2

Tapikin ang Google > Mga setting ng lokasyon.

3

I-drag ang slider sa tabi ng Lokasyon, ipa-access sa Google apps patungo sa

kanan.

Dapat na naka-log in ka sa iyong Google™ account upang magamit ang mga serbisyo sa

lokasyon.