Google Maps™
Gamitin ang Google Maps™ upang subaybayan ang iyong kasalukuyang lokasyon,
tingnan ang mga sitwasyon ng trapiko nang real-time at makatanggap ng mga
detalyadong direksyon papunta sa iyong patutunguhan. Bago bumiyahe, maaari kang
mag-download at mag-save ng mga mapa sa iyong memory card upang maiwasan ang
matataas na halaga ng roaming.
Kailangan ng Google Maps™ na aplikasyon ang paggamit ng koneksyon sa Internet. Maaari
kang makaipon ng mga singil sa koneksyon ng data kapag kumonekta ka sa Internet mula sa
iyong device. Makipag-ugnayan sa iyong network operator para sa higit pang impormasyon.
Maaaring hindi available ang Google Maps™ na aplikasyon sa bawat merkado, bansa o
rehiyon.
Upang gamitin ang Google Maps™
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang Mga Mapa.
Kung nais mong gamitin ang Google Maps™, kailangan mong paganahin ang isa sa mga
paraan ng lokasyon na available sa ilalim ng Mga setting > Mga serbisyo ng Lokasyon.
Upang marami pang malaman tungkol sa Google Maps™
•
Kapag ginamit mo ang Google Maps™, tapilin ang , pagkatapos ay tapikin ang
Tulong.
Pagtinging sa lokasyon ng iyong kaibigan sa Google Latitude™
Sumali sa Google Latitude™ upang tingnan ang mga lokasyon ng iyong mga kaibigan sa
mga mapa at ibahagi ang iyong lokasyon at ibang impormasyon sa kanila.