Pag-mirror ng screen
Gamitin ang pag-mirror ng screen upang ipakita ang screen ng iyong device sa isang TV
o iba pang malaking display nang hindi gumagamit ng koneksyon sa kable. Ang
teknolohiya ng Wi-Fi Direct™ ay gumagawa ng wireless na koneksyon sa pagitan ng
dalawang device, kaya't maaari kang mag-relax at i-enjoy ang iyong mga paboritong
larawan sa ginhawa ng iyong sofa. Maaari mo ring gamitin ang tampok na ito upang
makinig sa music mula sa iyong telepono sa pamamagitan ng mga speaker ng TV.
Dapat na suportado ng iyong TV ang pag-mirror ng screen base sa Wi-Fi CERTIFIED
Miracast™ upang gumana ang functionality na inilarawan sa itaas. Kung hindi suportado ng
iyong TV ang pag-mirror ng screen, kailangan mong bumili ng wireless display adapter.
Kapag gumagamit ng pag-mirror ng screen, maaaring negatibong maapektuhan paminsan-
minsan ang image quality kung may interference mula sa ibang mga Wi-Fi® network.
Upang i-mirror ang screen ng iyong device sa isang TV screen
1
Sundin ang mga tagubilin sa User guide para sa iyong TV upang i-on ang function
na pag-mirror ng screen.
2
I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .
3
Hanapin at tapikin ang Display > Pag-mirror ng screen.
4
Tapikin ang I-on ang pag-mirror ng screen at pumili ng device.
Kapag gumagamit ng pag-mirror ng screen, huwag takpan ang lugar ng antenna ng Wi-Fi ng
iyong device.
107
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.